Tuesday, May 5, 2009

ANG JAMMING SA ULONG



Nalasing ako, nahirapan ako.. at least nakapaglibang ako that time. Pero ang hirap ulitin hindi na ako sanay mag-inum...

Inihaw na Baboy na may Cinnamon

INIHAW NA BABOY NA MAY CINNAMON

Mga Sangkap:

2 kilong baboy (balikat)
1 tasang malapot na pineapple jam
2 kutsaritang cinnamon
1 kutsarang asin
1 kutsaritang betsin
kaunting klabo

Paraan:

Tanggalin ang balat ng baboy. Hayaang may kasamang taba ang laman. Kuskusin ng asin at betsin ang parteng malaman. Paghaluin ang jam at cinnamon. Isama rin ang mga klabo. Ikalat ito sa malamang part eng baboy saka gawing isang roll.talian ng pise. Ilagay sa magkapatong na aluminum foil. Pahirang may jam at mga kasamang sangkap ang buong roll. Balutin sa foil. Sarhang mabuti ang mga dulo para hindi makasingaw ang nasa loob. Ihurno sa pugong may350 F. ang init at ipagpatuloy ang paghuhurnong isa o dalawang oras o hanggang maluto ang baboy.

Sunday, May 3, 2009

Pritong Hita ng Baboy

Pritong Hita ng Baboy

Mga Sangkap

1 pirasong hita ng baboy kaunting arina
1 pirasong itlog kaunting dinurog na tinapay


Panimpla





Pambabad




Paraan ng pagluluto

1. Hugasan at pisilin ang baboy gamit ng butchery na hammer. Ibabad ito sa kaunting asin at paminta ng 15 minuto.
2. Batiin ang itlog, Lagyan ng arina at ilubog sa itlog at tinapay.
3. Iprito-lubong ito hanggang maging kayumangi ang kulay. Punasan ang natirang mantika.
4. Ihain kasama ng Mayonaise

Piniritong Kordero sa Herbs

Piniritong Kordero sa Herbs

Mga Sangkap

230 gramo hiniwang kordero 1 pirasong tanglad
1 pirasong kintsay 1 kutsaritang tinadtad bawang
40 gramong sibuyas


Panimpla

1 kutsaritang kamon 1 kutsaritang pulbos na manok
1/3 kutsaritang asin 1/3 kutsaritang belacan sauce
1 kutsarang alak na bigas 1/3 kutsaritang asukal


Pambabad




Paraan ng pagluluto

1. Tadtararin ang hiniwang kordero ng ilang pirasa. Tapos, ibabad sa kamon, asin, asukal at pulbos na manok.
2. Igisa ang bawang sa mantika. Tapos, idagdag ang kordeno at iluto ng 60%.
3. Igisa ang tanglad, lahat ng bawang, sibuyas, kintsay at belaccan sauce. Ibalik ang kordeno at iprito ng 80% na luto. Ibuhos ang alak na bigas at handa ng ihain.

Ginisang Pira-pirasong Karne ng Baka

Ginisang Pira-pirasong Karne ng Baka


Mga Sangkap

300 gramo na karne na baka 3 pirasong hamon
1/2 pirasong berdeng sili 1/2 pirasong pulang sili
10 gramo na ginayat na bawang


Panimpla

1/3 tasa ng sabaw 1/2 kutsaritang asukal
kaunting asin Kaunting chicken powder
Kaunting itim na toyo


Pambabad




Paraan ng pagluluto

1. Hugasan ang karneng baka at panimplahan ng kaunting asin at paminta
2. Hiwain ang berdeng sili, pulang sili at hamon
3. Igisa ang bawang sa kaunting mantika, ihalo ang hamon, berdeng sili at pulang sili. Ihalo ang baka, lagyan ng mga panimpla. Lagyan ng konting arinang mais na pampalapot. Ihain

Isda at Tuyong Tokwa Roll

Isda at Tuyong Tokwa Roll

Mga Sangkap

1-2 pirasong tuyong tokwa na pangbalot 6 taels ng laman ng mud carp


Panimpla

1/4 kutsaritang asin kaunting paminta


Pambabad




Paraan ng pagluluto

1. Ihalo ang laman ng mud carp sa mga panimpla.
2. Hiwain ang tuyong tokwa ng parihaba na sukat. Lagyan ng 1 kutsarang laman ng mud carp at balutin at irolyo.
3. Ilagay ang mga rolyo sa pinggan at pasingawan ng 20-25 minuto

Nilagang Kalabasa

Nilagang Kalabasa

Mga Sangkap

400 gramong Kalabasa 1 basong sari-saring gulay
1/4 pirasong bombai 1 kutsarang tinadtad na luya
1 pirasong ham stik


Panimpla

500 ml sabaw ng manok 1 kutsaritang Maggie liquid Seasoning
1 kutsaritang asukal 1 kutsaritang paminta
1 kutsaritang asin


Pambabad




Paraan ng pagluluto

1. Balatan ang kalabasa, alisin ang buto at ihiwa, ihiwa ang bombai at ham stik
2. Igisa ang luya, bombai sa kaunting mantika, ihalo ang kalabasa, ihalo maigi, ihalo ang mga panimpla at ilaga ang 15 minuto. Ihalo ang sari-saring gulay, at ilaga hanggang malapot ang sarsa, ilagay ang ham stik, ihalo maigi, budburan ng kaunting mantika ng linga at ihain.